1

MAGUINDANAO MASSACRE DAY 5

Posted by Juan on 4:07 PM in , ,

Pang limang araw na ngayon mula nang manyari ang Maguindanao Massacre sa killing fields ng bayan ng Ampatuan. Kahapon isinuko ng mga Ampatuan ang suspected mastermind(kuno).
Kagabi habang nakakulong si Ampatuan sa NBI cell isinisigaw nya sa mga Journalist na wala syang kasalanan at si Ombra Cato daw ng MILF ang may gawa, so paano nakarating doon ang back hoe ng kapitolyo ng Maguindanao?
Personally may mga kaibigan ako from Mindanao at sila mismo alam nila ang kahayopan nitong mga Ampatuan. Talagang sanay silang pumatay ng tao kahit kamag anak nila parang hayop nilang pinapatay. Si Ampatuan Sr., siya daw ang pumatay sa sarili nyang ama para makuha lang ang pinapaniwalaang agimat ng ama.May isa din daw anak itong si Ampatuan Sr. na pinapatay nya mismo.Kung kaya nyang patayin ang sariling ama at anak...ibang tao pa kaya.Isa syang demonyo sa lupa.Pati daw mga muslim leaders sa lugar nya pinapapatay nya pag hindi nya gusto ang tao , at ang ginagamit pangpatay ay chainsaw...chop chop ang katawan ng biktima.
Ang huling malaking ka demonyohan na ginawa nya na kalat sa halos muslim community ng Pilipinas ang nong nakawin nya ang milyon milyong pera na gagamitin dapat pangastos ng mahihirap na muslim pang pilgrimage sa Mecca, ang pera ay nanggaling sa ibat ibang Muslim Countries para ipamahagi sa mga mahihirap na religious people.
Dapat buwagin na lahat ng private armies na nagkalat sa buong bansa lalo na sa Mindanao area.
Mga pangyayaring ganito ay hindi lang sa maguindanao area nangyayari pati narin sa mga lugar ng Lanao del Sur at ibang lugar sa Lanao del Norte.
Hindi dapat lumaki ng ganito ang problema sa Mindanao kundi sa kapabayaan ng goberno.
Ngayon diba halatang halata na scripted nanaman ng pag suko nitong batang Ampatuan...
Noong nasa Chopper sila ni Dureza pinagbabaril daw sila mula sa baba ng di kilalang mga armado, katunayan daw may nakuha siya sa loob ng chopper na basyo ng bala...???TANGA...paano nakarating sa chopper ang basyo ng bala kung ang bumaril ay mula sa lupa...bakit kasama ba lumilipad ng bala ang basyo nito?diba ang basyo ng bala naiiwan sa lupa?
Bakit hindi naka posas ang Ampatuan nayon? Bakit pag ordinaryong mamayan halos ipag tulakan at may posas pa?
Parang gusto ko na maniwala na may basbas ang lahat na ito mula sa Philippine Government.
Apat na araw na po mula ng manyari yon saka palang pinalabas si Ampatuan.Bakit nahirapan ba ng plano ang Malacanang paano makakalusot itong bata nila???
Subaybayan po natin ang lahat ng ito...

1 Comments

Post a Comment

Copyright © 2009 Scandal Nanaman All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.