3

Tapos...Ano Na?

Posted by Juan on 12:50 AM in ,

It's been more than two weeks na mula nong pumutok ang "Hayden Camera Scandal" pero... ano na? Medyo silipin natin yong mga nagdaang kaganapan.
Una, lumabas sa media si Sen.Bong Revilla na galit na galit kay Hayden kho dahil di umanoy may nag leak na video na gumagapang sa internet na mga kuha ni Hayden kho sa kanyang pakikipagtalik sa isang kilalang sexy actress model na si Katrina Halili.
Pangalawa, natural...nagkagulo ang media at kaliwa't kanan ang balita at interview kay Sen.Bong...hinagilap si Hayden,katrina,Belo...at Manay Lolit...(manay lolit nanaman?)
Pangatlo, natural nanaman...denial stage...lahat nag di alam daw...at nagturuan...nagturuan...
At habang nagaganap ang lahat ng turuang yon, ang taong bayan nataranta at naghanap sa net(isa na ako dun)...'yong dating gumagapang na video sa internet ngayon Kumalat na parang di mapigilang apoy...
Hindi na gumagapang ang nasabing video,tumatakbo na at may pa tumbling tumbling pa.
Hangang sa umamin na ang bawat isa, na talagang sila yong nasa video at lumabas na hindi lang pala iisa kundi may iba pang videos na kuha ni doc Hayden sa ibat ibang babae na nakarelasyon nito(ng secret daw).
Tulad nang nakasanayan natin, nagsilabasan ang mga abogado nga bawat panig, nag silabasan ang mga ibat ibang agency ng pamahalaan na sumasaklaw sa mga batas (daw ng scandal).Lahat gustong magpa interview, lalo na yong gusto ng exposures...natural number one sa usaping yan ang politiko (may bago pa ba?).
Hahanapin daw ang nagnakaw ng video, napag bintangan si Chua, si Belo at kung sino sino pang mga tao na may connection.Si Manay panay den interview na hindi naman maintindihan kung ano ang papel nya dito.Si Katrina umiiyak, si Belo na Europe, si mama kho nagpa interview narin. Lumabas ang usaping droga...nag turuan nanaman si Kat at Hayden...nasama na naman ang PDEA ,NBI, optical media board...nasama ang Philippine Medical Association, Gabriela, Civil Service...whew at ano pa raw yong iba?
Hangang sa lumabas na may sakit sa utak si Hayden,nag sorry...ayaw tangapin ni Bong at Katrina...
Media...nag interview nanaman...this time...mga Phychologist naman at Sociologist...???
Lumabas ang usaping naka utang si Mama Kho kay Belo ng 4 million (4million? diba yan daw ang halaga nong video na nagkabintahan...whew...)
Dumating and dalawa sa senado...natural andon si Jingoy...Jambee...si Bong...at ang dalawang "stars" si Hayden at Katrina...kala ko matatapos na don...hindi pa pala...biglang nabaling ang lahat kay Afuang...oo si Afuang yong famous water boy ng senado...binuhusan nya si Hayden ng mineral water(mineral water? diba yon yong pina inom ni Hayden Kho don kay Maricar sa isa pang video?)...Maricar? wag na muna yan...nag konek konek na...taposin ko na kasi di tayo matatapos...
ang summary...wala...WALA oo walang narating ang lahat hangang ngayon at patuloy na pinag uusapan...sa madaling sabi...malaking CIRCUS ang nangyari....

Para kay Hayden...next time medyo ayosin mo yong focus...
Para kay Katrina...next time huwag mag practice na naka two piece..Dance!!!
Para kay Manay Lolit...di ko alam...kasi hangang ngayon di ko alam anong papel mo dito...
Para kay Bong...salamat at dahil sa'yo lalong kumalat ang video...di ko alam saan ka nagkamali...pero alam ko...meron kang pagkakamali...kasi kaya pumutok ang video ay dahil sa pag speech mo...(Hayden Kho is a pervert!...don kaya yon sir?...siguro yon yon.... yon?...
Para kay Belo...oist, ang laki nong 300thousand allowance a month ah!
Para sa iba pang mga babae sa video...anong steps gagawin nyo?
Para sa ibang babae dyan...Mag ingat nalang kayo...sana maging aral sa bawat isa ang naganap na HAYDEN CAMERA CIRCUS na ito...pwera lang kung gusto nyo ng ganong exposure...TAPOS? ANO NA?...Scandal nanaman?

3 Comments


This comment has been removed by the author.

tama ka jan mr.scandalnanaman...lahat ng mga ito ay circus....tulad ng isang palabas na matatapos din at magiging parte ng nakaraan...ito ay exposure sa iba, kahihiyan sa iba, pogi points sa iba...pera sa iba...at sana maging babala sa nakakarami...mga kababaihan sana ingatan ang mga sarili at huwag tularan ang lahat ng nasama sa video...gumawa ng tama...dahil sa huli para rin naman sa inyo yon...di na baling di maganda wag lang nagiging ganito ang kahihiyan...

Post a Comment

Copyright © 2009 Scandal Nanaman All rights reserved. Theme by Laptop Geek. | Bloggerized by FalconHive.